Nakikipagtulungan ang Office of the Attorney General's Environmental Crimes Unit (Unit para sa mga Krimeng Pangkapaligiran ng Tanggapan ng Punong Abogado) sa U.S. Environmental Protection Agency (EPA, Ahensiyang Tagapagprotekta ng Kapaligiran ng U.S.), Washington Department of Ecology (Kagawaran ng Ekolohiya ng Washington), at sa iba pang mga ahensiya upang usigin ang mga kriminal na paglabag sa batas na pangkapaligiran ng estado. Kung may alam kang mga kahina-hinalang krimeng pangkapaligiran sa Estado ng Washington, pakisagutan ang form sa ibaba:
Upang mag-ulat ng emergency, paki-dial kaagad ang 911. Upang mag-ulat ng tagas, tulo, o pagdiskarga, tumawag sa Washington's Emergency Management Division (Sangay para sa Pangangasiwa ng Emergency ng Washington) sa 1-800-258-5990. Ang form na ito ay may layuning magbigay-alam sa Attorney General's Office (AGO, Tanggapan ng Punong Abogado) tungkol sa mga posibleng krimeng pangkapaligiran ngunit hindi nito layuning magsilbing kapalit para sa pag-uulat ng mga tagas, tulo, o iba pang posibleng ilegal na aktibidad sa Washington Emergency Management Division, National Response Center (Pambansang Sentro para sa Pagresponde), o sa mga lokal na tagaresponde sa emergency.
Pakitandaan na sa ilalim ng batas ng Washington, ang Punong Abogado ay hindi maaaring kumilos bilang iyong pribadong abogado o magbigay sa iyo ng legal na payo. Posibleng makasagabal sa iyo ang mga deadline upang makapagsimula ng demanda kung maghihintay ka nang matagal. Ang paghahain sa reklamong ito ay hindi magpapabago sa mga deadline o maggagarantiya sa mga gusto mong resulta. Maaari kang makipag-ugnayan sa isang pribadong abogado.
Magiging bahagi ang reklamong ito ng aming mga permanenteng talaan. Maaaring ilabas ang mga reklamo sa negosyo o taong inirereklamo mo, sa mga miyembro ng publiko, o sa iba pang mga ahensiyang nagtatangkang magpairal ng asal na posibleng lumalabag sa mga batas na pangkapaligiran ng Washington. Ang form na ito ay sumasailalim din sa Public Records Act (Batas sa mga Pampublikong Talaan) at maaaring ibunyag sa mga taong hihiling na suriin ang mga nilalaman nito.
* Kinakailangang Impormasyon